Saturday, October 17, 2009

Endangered Earth

Para sa mga makakabasa nito nawa'y maging kamulatan ito sa atin at nawa'y maging dahilan para baguhin natin ang sistema natin sa ating pangaraw araw na pamumuhay.

Ngayon, kung ano anong kalamidad na lamang ang ating nararanasan. Nakikita natin isa isang namamatay ang mga tao dahil sa mga kalamidad na ito. Ito ay sanhi ng Global warming na kasalukuyan nating dinadanas ngayon. Marami ang nagsasabi na ito ang hudyat ng pagkawasak ng mundo at sa tinatayang 2012 maharil daw ay tuluyan ng masira ang mundo kung hindi tayo kikilos. May mga balitang kumakalat sa internet at sa iba't ibang pahayagan na ang mga yelo sa north at south pole ay natutunaw kapag tuluyang nangyari iyon malulubog sa tubig ang lahat ng uri ng lupa na mababa. Hindi lang yon ang problemang nakalatag sa ating harapan, may mga frozen methane na tinatawag na methane hydrate sa sea floor ng arctic ocean at kapag ito ay natunaw ay hahalo ang bilyon bilyong tonelada ng methane sa hangin na ating nilalanghap. Kapag ito ay nangyari kakalat ang iba't ibang klase ng sakit na animo'y epidemya at maaring maging sanhi nagpagkamatay ng maraming tao sa mundo.

Ano ba ang dahilan kung bakit mayroong global warming? Ang global warming ay epekto ng madaming bagay gaya ng mga kemikal na nakakasira ng likas na yaman, sorbrang usok na mayroong kemikal, pagkaubos ng mga puno at kung ano ano pa. Dahil sa pagaasam natin sa pagunlad sinundan natin ang teknolohiya at siyensya. gumawa tayo ng mga sasakyang may makina para mapadali ang ating transportasyon. Ninais nating pabilisin ang mga makinang ito at gumawa ang tao ng mas malalaking makina na mangangailangan ng mas madaming gasolina na susunugin at magiging usok na magiging sanhi ng pulusyon. May daladalang kemikal ang usok na galing sa mga sasakyan at ito ang tinatawag na "carbon monoxide" at dahil sa pangangaunti ng mga puno hindi maiiwasan na malanghap narin natin ito. Nauubos ang mga punong gubat dahil pinuputol ito para gawing subdibisyon o industrial park ang mga gubat. Isa na rin sa malaking dahilan ng pagkaubos ng mga puno ang ilegal na pangangahoy. Kung saan ang mga kahoy na naputol nila ay ibebenta din nila para gamitin ng mga tao para magtayo ng mga istrakturang maksisira sa ating kalikasan. Nagiging dahilan din ng pagkasira ng ating kalikasan ang masyadong paggamit ng mga tao ng mga plastik. Kung mapapapansin nyo karamihan na lang sa ating mga gamit ay plastik. Ultimo mga kubyertos na ginagamit natin araw araw ay plastik. Sumasagi ba sa isip nyo kung gaano kadaming plastik ba ang nagagawa sa buong mundo sa isang araw lamang at kung saan ito napupunta pagkatapos natin itong gamitin? Ang mga plastik na ito ang kalimitang nagiging basura dahil ito ang pinaka malimit gamitin. Ang mga basurang ito naman ay kalimitang sinusunog dahil wala na tayong mapaglagyan ng mga basura. Ang plastik ay isa sa mga pinakamalakas makapanira ng ating ozone layer na syang bumabalot sa mundo para protektahan tayo sa init ng araw.

Ang mga bagay na aking nabanggit ay kasalukuyang nangyayari ngayon di lang sa buong bansa kundi sa buong mundo. Kung patuloy tayong mamumuhay sa ganitong paraan hindi na natin maililigtas ang kalikasan at marahil nga ay magunaw na ang mundo. Kapag nangyari yon mawawala ang ating mga pinaghirapan para sa mga susunod pang henerasyon sa atin. kailangan natin baguhin ngayon ang ating paraan ng pamumuhay. Nawa'y suriin natin ang ating kamalayan sa ating kalikasan.
Dahil sa masyado mong pagiging abala sa kung anong ginagawa mo nakakaligtaan mo nang may pananagutan din tayo sa kalikasan natin. Tayo ang inasahan ng Diyos na maging tagapangalaga ng lahat ng kanyang nilikha. Kung ano man ang naiisip nating gawin para makatulong tayo sa kalikasan gawin natin. dahil naniniwala akong kaya pa nating iligtas ang buong mundo. kelangan lang natin magkaroon ng malasakit sa ating kalikasan. Nawa'y nabuksan ko ang inyong mga mata sa mga katotohanang nangyayari ngayon. kumilos tayo! Tayo ang magumpisa ng pagbabago.